Exegesis
 
Kagabi sa TV Patrol news muli na namang nagpasiklab at nagpapogi si Daniel Razon sa media sa ginawa nitong pagkuwestiyon sa COMELEC tungkol sa mga computer na gagamitin sa darating na election sa Mayo 10, 2010. Nanggagalaiti ang boses ni Daniel Razon sa harap ng video camera nang ito ay kuhanan ng interview ng reporter ng Ch-2. Masyadong aktibo si Daniel Razon makakuha ng MEDIA MILEAGE para sa election na ito subalit hindi naman siya ganito ka aktibo sa kanyang posisyon bilang Vice Presiding Minister at Sugo daw ng Dios sa kapatirang ANG DATING DAAN (ADD). Ni hindi nagpro-programa si Daniel Razon sa programang ANG DATING DAAN, mangaral ng salita ng Dios at sagutin ang mga tanong ng mga manonood gaya ng nakasanayan ng mga viewers sa mga nakalipas na panahon. Tape man or live telecast ay NO SHOW si Daniel Razon sa programang ANG DATING DAAN patunay lamang na siya ay walang malay sa biblia at kakayahang mangaral ng salita ng Dios sa mga tao. Nakakaawa ang mga miembro ng ANG DATING DAAN dahil 5 taon na silang INIWANAN at PINAGTATAGUAN ni Eli Soriano sa pagiwas nito sa mga nakabinbing kaso sa mga korte ng Pilipinas. 5 taon  na hindi alam ng mayor parte o karamihan ng mga miembro kung nasaan talaga si Eli Soriano. PUGANTE sa batas ang lider ng ADD samantalang ang naiwan namang Vice Presiding Minister na si Daniel Razon ay puro porma lang at walang alam sa biblia at nahuhumaling pa sa PULITIKA. Sana ay matawagan ng pansin ang mga hindi panatikong miembro sa ADD na sila ay pinaikot-ikot na lang ng mag uncle na SUGO NI SATANAS.
 
 
Nakakalito na ang turo ni Eli Soriano sa mga kapatid sa ANG DATING DAAN pagdating sa paksa ng SUGO NG DIOS. Noong si Willy Santiago ay nasa ADD pa at naninindigan na ang SUGO na kinikilala niya noong mga panahong yaon ay si Eli Soriano lang at hindi kasama si Daniel Razon dahil sukat ni Willy si Razon na WALA ITONG ALAM SA BIBLIA ay pilit na ipinatatanggap kay Willy at sa mga kapatid sa ADD ni Eli Soriano na SUGO din daw si Daniel Razon. Wala daw masama kung magka dalawa, tatlo o marami ang SUGO NG DIOS. Pero ngayong si Willy ay umalis na sa ADD dahil sa mga MALING ARAL ni Eli Soriano para i-discredit niya si Willy Santiago upang huwag siyang paniwalaan ng mga kapatid sa ADD ang turo ngayon ni Eli Soriano ay ISA LANG ANG SUGO NG DIOS at ito daw ay SIYA (Eli Soriano) at hindi si Willy Santiago. Nakakaawa naman si Daniel Razon, ngayon ay mismong  uncle niya ang NAGLAGLAG sa kanya at nagsabing HINDI pala SUGO NG DIOS si Daniel Razon kundi SIYA LANG (Eli Soriano). Sana ay MATAUHAN at MAGISING na sa KATOTOHANAN ang mga kapatid sa ANG DATING DAAN na ang KONTRA-KONTRANG TURO NI SORIANO ang patunay na SIYA ay SUGO NI SATANAS.
 
 
Talagang halata na ang motibo ng grupong 'ANG DATING DAAN' ni Eli Soriano yan ay ang magparami na lang ng mga miembrong huhuthutan niya ng ABULOY upang gawing PALABIGASAN para masustentuhan ang LUHO nila ng mahal niyang pamangkin na si Daniel Razon. 3 PAKSA NG DOKTRINA ang pinag-aaralan sa bawat araw, masyado na minamadali ni Soriano ang mga nagpapadoktrina para makuhanan agad niya ng ABULOY at SPOTS na walang batayan sa Biblia. Hindi na intindi ni Soriano at Razon kung yung 3 paksa bawat araw ay ma-absorb pa ng mga nakikinig kaya naman ang resulta sa mga miembrong naanib at nabautismuhan ay GOOD FOR 2 to 3 MONTHS lang at matitigil na rin sa pagdalo lalo't maaga mapansin ang walang tigil na hingian ng mga TULUNGAN na hindi naman itinuro sa PAKSA sa DOKTRINA. Ang pagiging MAIBIGIN sa SALAPI ni Soriano at Razon ang dahilan ng mga MALING TURO ngayon sa ANG DATING DAAN (1Tim.6:9-10).
 
 
Nakakagulat na balita ito para sa mga kapatid sa ANG DATING DAAN sapagkat ang mga ABULOY na pinaghirapang maibigay ng maraming mahihirap na miembro para sa gawain ng Dios ay ginagamit lang ng mga LIDER ng ANG DATING DAAN para sa kanilang sariling INTERES. 

Upang makatiyak na makakuha ng pwesto ang BATAS PARTY LIST noong nakaraang 2007 ELEKSYON kung saan si Daniel Razon ang pangunahing kandidato ng nasabing partylist para makatiyak ng panalo at ng isang SEAT sa KONGRESO NG PILIPINAS ay nagbigay ng mahigit na 4 MILYON PISO sa isang abogado ng COMELEC. Ang nasabing mahigit na 4 MILYONG PISO ay nai-WITHDRAW ni LEO BANASEN sa METROBANK LEMON SQUARE at ibinigay niya sa isang abogado ng COMELEC sa NAIA. Ito ay sa utos ng PAMUNUAN NG ANG DATING DAAN upang masigurado na maging REPRESENTATIVE or CONGRESSMAN si Daniel Razon. 

Nakakagimbal sa mga kapatid sa ANG DATING DAAN ang katotohanang ito na ang ABULOY NG MGA KAPATID ay ginagamit ng mga LIDER ng ANG DATING DAAN para lang magkamit ng POWER o KAPANGYARIHAN sa lipunan. Taliwas ang mga nagpapakilalang SUGO DAW NG DIOS ngayon na sina Soriano at Razon sa Sugo ng Dios na si Moises. Si Moises na prinsipe ng Ehipto ay iniwan ang kapangyarihan at kayamanan ng Ehipto at nakisama sa bayang Israel na pinipighati ng mga Ehipsyo sapagkat ito ang diwa na natutunan ni Moises sa Panginoong HesuKristo (HEB11:24-26). Sina Soriano at Razon naman ay sukdang magbigay ng SUHOL sa COMELEC magkamit lang ng POWER o KAPANGYARIHAN sa lipunan. 

Dito natin mapapatunayan na HINDI SUGO  NG DIOS ang mag uncle na sina Soriano at Razon sapagkat ang DIWA nila bilang LIDER ay salungat sa DIWA NI KRISTO at MOISES. Kaya naman dahil sa MALING PAGGAMIT NG ABULOY ng mga kapatid sa Iglesia ay hindi naman natupad ang pangarap ni Razon na maupo bilang CONGRESSMAN sa KONGRESO dahil NADISQUALIFY ang BATAS PARTYLIST,  na ito ay  gawa ng Dios upang IPAMUKHA  sa mag uncle na MALI ang kanilang ginagawang paggamit sa ABULUYAN ng Iglesia. 

Sinasabi ni Kristo sa LUCAS 16:10-11 "ANG MAPAGTAPAT SA KAKAUNTI AY MAPAGTAPAT DIN NAMAN SA MARAMI AT ANG DI MATUWID SA KAKAUNTI AY DI RIN NAMAN MATUWID SA MARAMI, KUNG KAYO NGA'Y DI NAGING MAPAGTAPAT SA MASAMANG KAYAMANAN (salapi o pera) SINO NGA ANG MAGKAKATIWALA SA INYO NG MGA TUNAY NA KAYAMANAN? BAGSAK dito ang mag uncle na sina Soriano at Razon, patunay ito na sila ay mga SUGO NI SATANAS.
 
 
Bawat mp3 ni Eli Soriano kung saan meron daw 1001 Questions & Answers ang mapapakinggan ng mga gustong marinig mismo sa bibig ni Soriano ang sagot sa kanilang mga tanong ay nagkakahalaga ng 3,000 piso ang bawat mp3. Ito ay IDEA ni Daniel Razon na paramihin si Eli Soriano at ikalat ang 10,000 Eli Soriano na mangangaral sa ibat ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng mp3. 

Ito ay isang paraan ng TAMAD at BOBONG si Daniel Razon para kahit mawala na si Soriano sa mundo ay magamit pa rin nya ang kanyang uncle dahil walang alam sa biblia si Razon na puro PAPOGI lang ang alam gawin. Isang pasalamat sinabi ni Daniel Razon "bro Mel, dumating na ang 1st shipment ng mp3, bahala na kayo ng mga MIC mag distribute ng mga mp3". Ang 10,000 piraso mp3 sa halagang 3,000 ay maliwanag na 30 MILLION pesos yan ang halaga na NAKULIMBAT ni Razon at Soriano sa mga kapatid sa ANG DATING DAAN dahil pagkatapos nilang makuha ang 30M wala naman MP3 ng Q&A ni Soriano ang naipamahagi sa mga tao at maging sa mga miembro ng ANG DATING DAAN. Maliwanag na ESTAFA ang ginawa ng mag uncle. DRAWING lang ang MP3 na ang halaga ay 3,000 piso bawat isa. 

Talagang SOBRANG GANID SA PERA si Soriano at Razon kaya naman MALI MALI na ang TURO sa ANG DATING DAAN (1Tim.6:10) ”Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya”. Ang mga maling turo sa ANG DATING DAAN ay dahil sa matinding PAG-IBIG sa SALAPI ng mga LIDER ng ANG DATING DAAN na sina Soriano at Razon.
 
 
Sa yirmeyah.net ay harap-harapang dinadaya ang mga kapatid sa ANG DATING DAAN (ADD) at maging ang mga mambabasa sa blog ng EXEGESIS dahil sa pag chop-chop nila sa mensahe ng blog tungkol sa pagharap sa Silangan "HINDI NA ISYU" ang direksyon o lokasyon ayon sa Panginoong Jesu Cristo kaya MALI na ITURO ni Soriano sa mga nasa ADD ang PAGHARAP SA SILANGAN pagka mananalangin sa Dios. Maging ang mga Apostol ay WALANG ITINURO na dapat pang humarap sa Silangan pagka mananalangin sa Dios (1Cor.4:6) "Matuto kayo huwag magsihigit sa mga bagay na nasusulat".

Kaawa-awa ang mga nasa ADD dahil hindi na tapat sa pagtuturo si Soriano sa kanila at dahil ipit siya sa isyu na ito ay siya mismo ang gumagawa na i chop-chop ang mensahe ng EXEGESIS blog upang dayain ang mga nasa ADD gaya din ng ginagawa nilang pagkatay sa video ng programang BIBLICAL ISSUES.

Basahin ang buong konteksto ng EXEGESIS at mapapatunayan na KASUKLAMSUKLAM sa Dios ang PANALANGIN na nakaharap sa SILANGAN (Ezek.8:16-18) IMBENTO o KATHA lang ni Soriano ang turo niyang ito na hindi naman itinuro ni Kristo at mga Apostol (Tito 1:14) MASISINSAY SA KATOTOHANAN ang mga nakikinig sa mga aral na KATHA gaya ng turo ni Soriano na pagharap sa Silangan pagka mananalangin sa Dios. Dahil sa PRIDE ni Soriano kahit NAPAMALIAN na siya ni Willy Santiago ay HINDI na niya babaguhin ang MALING TURO niyang ito kaya dapat lang talaga na layasan na ng mga kapatid ang ADD dahil sa napatunayang MALI-MALING TURO ni Eli Soriano.
 
 
Ito ang bukambibig ng maraming miembro ng ANG DATING DAAN kay Willy Santiago na matagal na naging TAGABASA ni Eli Soriano na pinagkatiwalaan niya na magbalangkas ng mga paksa sa KNC (Kawan ng Cordero) sa maraming taon. Si Willy din ang kasamang nagpupuyat ni Eli sa pagbalangkas ng mga paksa sa pagsamba, prayer meetings at pasalamat. Hindi lahat ng naging manggagawa sa iglesia kahit pa MIC (Minister in Charge) ay napagkatiwalaan ni Eli kagaya ng kay Willy Santiago. Maging sa aralan ng mga manggagawa ay pinagte-teksto ni Soriano si Willy na hindi nagawa ng ibang mga MIC kaya paano sasabihin na hindi siya marunong magteksto? Maraming beses na pinagteksto sa Pasalamat ni Soriano si Willy Santiago at maging sa mga Bible Expo na hindi mapuntahan ni Soriano ay si Willy ang RELIEVER niya na nagpapaksa at sumasagot sa tanong ng mga tao hindi gaya ni Razon na hanggang mag-INTRO lang ang alam gawin. May mga videos niyan na makikita sa ADDPRO kung hindi pa sinunog ng mga bataan ni Razon. Maging ang pakikipag DEBATE ni Willy sa ministro ng INC sa Davao ay may video ang ADDPRO na hindi pa nagagawa kailanman ni Daniel Razon. 

Noong si Willy ay nasa panel pa sa Pasalamat ang mga kasama nya ay hindi makasagot sa mga tanong ni Soriano, si Willy pag sumagot ay laging VERY GOOD ang sinasabi ni Soriano kay Willy, saksi ang maraming kapatid na dumadalo sa Pasalamat. Sa programa naman ni Manolo Favis ang GENIUS FAMILY si Willy ang ipinalit ni Soriano sa kanya para maging RESOURCE PERSON ni Don Manolo at mismo si Manolo Favis ay hanga kay Willy Santiago sa kakayahan nito sa biblia na sumagot sa mga tanong ON THE SPOT na wala si Daniel Razon. Maging sa mga LIVE BROADCAST sa TV pag wala si Soriano ay si Willy ang TAGASAGOT sa mga tanong ng mga VIEWERS. 

Noong mga panahong yaon ay IPINAGMAMALAKI ni Soriano at ng ADD si Willy Santiago subalit ngayon ay puro pagpapasama ang ginagawa nila sa pagkatao ni Willy Santiago at kung siya ay pagsalitaan ay TAGA BASA LANG!!! na ang pagiging TAGABASA ay napakahamak at walang kwentang tungkulin sa ADD. Madilim na talaga ang isip ni Soriano dahil nakalimutan niya ang dating pagpapakilala niya sa kanyang sarili na siya ay SUGONG TAGABASA, ginagamit pa ni Soriano ang APOC.1:3 "Mapalad ang Bumabasa" kaya ang maging tagabasa ng salita ng Dios ay isang gawain na hindi naman kayang gawin ng lahat ng tao. 

Sa totoo lang kung aamin ni Soriano kahit sa mga MIC niya wala siyang makasundong TAGABASA upang ipagbasa siya kundi si Willy Santiago lang, kahit si Luz Cruz na matagal na tagabasa ni Soriano ay sakit ng ulo ni Soriano dahil sa hindi naman matandain sa talata ang matandang dalaga na tagabasang babae ni Soriano. Ngayon na lang nag SOUR GRAPES ang mga dating kasamahan ni Willy sa kanya lalo na si Soriano at Razon dahil hindi nila matanggap na si Willy Santiago ay wala na sa ADD at maraming miembro na bukas ang isip ang sumama sa kanya at patuloy pang nadadagdagan ang mga galing sa ADD na lumilipat sa grupong Members Church of God (Theos) Worldwide. Sa mga gustong makipag ugnayang personal kay Willy Santiago maaari kayong pumunta sa lokal na matatagpuan sa Peralta Bldg., Tandang Sora, QC near New Era Gen Hospital every Sunday 7am ang pagkakatipon.
 
 

Sa mga bisita at mga kapatid sa ADD na magtatanong kay Eli Soriano sa OPEN FORUM sa BIBLE EXPO at PASALAMAT narito ang mga TANONG na PANG-IPIT kay Eli Soriano na siguradong mahihirapan siyang sagutin: 
  1. Ang ADD ba ang kinatuparan ng hula bilang IKATLONG BAHAGI na nakasulat sa Zac.13:8-9?  
  2. Hindi ba kailangan na paglingkuran ng tao ang Dios? (Mat.4:10;1Tes.1:9)
  3. Sapat bang dahilan na maghiwalay ang mag asawa dahil sa magkaiba ng paniniwala? (1Cor.7:12-15) 
  4. Ang panalangin nakaharap sa silangan ay itinuro ba ni Kristo at ng mga apostol? (Ezek.8:16-17;1Cor.4:6) 
  5. Dapat bang magpasakop sa gobyerno ang mga Kristiano? (International Fugitive si Eli Soriano at anti-GMA (1Ped.2:13-14;Roma 13:1).
Dito masusukat kung si Eli Soriano ay nakahandang sumagot ng ayon sa katuwiran at hindi paiwas na sagot o palusot ang gagawin niya sa mga tanong na ito (1Ped.3:15). Para sa karagdagang paliwanag sa mga talatang nakasulat basahin lang ang ibat-ibang topics sa blog na ito.
 
 
Talagang madilim na ang isip ni Eli Soriano para sabihin nya na siya ang may pinakamataas na posisyon sa samahang inaakay niya at ito daw ang puntirya ni Willy Santiago kaya niya itiniwalag ito noong nakaraang Oct 31,2009. 

Noong mapansin ni Soriano na walang epekto sa mga kapatid sa ADD ang gawa-gawa nilang kwento na ang iniinteres ni Willy Santiago ay ang posisyon ni Daniel Razon bilang Vice Presiding Minister dahil talaga namang hindi kumbinsido ang maraming kapatid sa ADD na DESERVING si Razon at may CAPACITY dahil ayon mismo kay Soriano ay "HINDI PA NANGANGARAL SI DANIEL DAHIL BUHAY PA SIYA (Soriano)" samantalang kung ipakilala at ipatanggap na si Razon ay SUGONG MANGANGARAL din,ibinaling na ni Soriano sa posisyon niya bilang PRESIDING MINISTER ang kwento na ito pala ang target ni Willy dahil ito daw ang PINAKAMATAAS NA POSISYON sa samahang ANG DATING DAAN (ADD) napatunayan lang na WALA NG UNAWA sa Biblia si Soriano dahil ayon mismo kay Kristo ang pagiging lider ay ang pinakamababang posisyon sa iglesia (Marcos 9:34-35) ang NANGUNGUNA o LIDER ay LINGKOD NG LAHAT hindi gaya ng pagpapakilala ni Soriano ngayon sa posisyong nasa kanya na bilang LIDER ng ADD ay mahigit pa sa HARI ang kapangyarihang hawak.

Kung ano ang gusto ni Soriano siyang dapat mangyari at sundin ng mga miembro. Maging si Apostol Pablo na LIDER ay nagpakilalang siya ang "KABABABABAAN SA LAHAT NG LALONG MABABA SA MGA BANAL" (Efeso 3:7-8). Dito natin mapapatunayan na ang dating Pantas na si Soriano ay isang MANGMANG na ngayon sa Biblia (Ecle.7:7), kaya dapat lang talaga na lisanin na ng mga kapatid ang grupong ANG DATING DAAN.
 
 
Ito ay isang malinaw na pagsalungat sa turo ni Apostol Pablo sa mga Kristiana sa Iglesia ng Dios sapagkat walang mababasa sa biblia na itinuro ni Apostol Pablo na ang pagpasapasakupan lang ng isang babaeng Kristiana ay asawang lalaki na Kristiano. Sa panahon ni Pablo ay may mga mag-asawang hindi magkaisa ng Faith pero hindi BIG DEAL yun dahil ang payo pa ni Pablo ay magsama ng maayos at huwag maghiwalay (1COR.7:12-15). Para maging maayos, ang isang Kristiana ay RUMESPETO at GUMALANG sa asawang lalaki kahit hindi niya kaisa sa Faith dahil ito nga ang paraan para mahikayat pa niya ang asawang lalaki gaya rin ng turo ni Apostol Pedro (1PED.3:1). Mahihikayat ng babaeng Kristiana ang lalaking asawa sa pamamagitan ng UGALI na may respeto at pagpapasakop. Ang ginawa ni Jane Santiago kay Willy Santiago ay LABAG sa aral ng biblia sa mag-asawa na KINUNSINTI ni Eli Soriano. Matatandaan OCT. 24,2009 HINDI PA NATITIWALAG si Willy ay pinagsalita na ni Soriano si Jane laban kay Willy upang siraan sa kapatirang ADD, dahil takot at ayaw sumagot sa isyu sa doktrina si Soriano ay nagtago na lang sa saya ni Jane at siya ang ginawang HUMAN SHIELD  ni Soriano laban kay Willy. OCT 31 bago pa itiwalag si Willy ay muling GINAMIT ni Soriano si Jane upang lalong masiraan ng puri ang asawa niyang si Willy sa kapatiran dahil alam ni Soriano na maraming miembro ay SYMPHATIZER ni Willy Santiago. MIEMBRO pa si Willy noong OCT. 24 & 31 pero siya ay hindi na IGINALANG ni Jane dahil sa UDYOK ni Soriano. Matinding pressure ang ginawa ni Soriano kaya napilitan si Jane na mag imbento ng kwentong di totoo laban sa kanyang asawa. Ito ang patunay na ang ADD ngayon ay KULTO na dahil ang sinusunod na ng mga miembro ay hindi na aral ng biblia kundi DIKTA na lang ni Soriano na SUGO NI SATANAS.
 

    About this site

    Ang site na ito ay naglalaman ng mga katanungan patungkol sa mga DOKTRINA ng grupong ANG
    DATING DAAN.

    Ang layon ng site na ito ay upang bigyan ng pansin ang pangasiwaan, pati na rin ang mga miyembro ng grupong ANG DATING DAAN ang mga kata-nungan at mga isyu na nakasulat dito.

    Ang mga MIYEMBRO lalo na ang PANGASIWAAN ng grupong ANG DATING DAAN ay inaanyayahang mag post (Comments and Messages) sa site na ito.

    Kung maaari, ang lahat ninyong sagot ay i-post sa forum sa site na ito. Pinakikiusapan lamang ang lahat na basahin muna ang FORUM RULES bago mag post ng kahit ano.

    Maraming Salamat.


    Archives

    April 2010
    March 2010
    February 2010
    January 2010